Miyerkules, Mayo 4, 2016

TULA



            "ILANG-ILANG"

Simputla ng hirap,sintuyot ng hapis,
nangangalirang na sa init ng sakit;
ang mga talulot-lagas na pagibig,


Naluoy sa halik ng lilong bubuyog,
nangalutding dahon ang nalasong ubod;
 subali, sa aping pagkakayukayok,
 ay lalo pa mandin bumangong pagirog!

Sa amihang simoy ay pasuling-suling,
siklutin itapon ng ihip ng hangin;
sa batis na luha na walang pampangin,
yagit na mistula ng sawing paggiliw!

 Hayaang pulutin ng aking paglingap
 Pagyayamanin kong ulirang pangarap;
 kasiyahan ko nang sa hardin ng palad,
 may isang libingang humahalimuyak!